Thursday, September 22, 2005

Rain, Rain, Go Away...


Last night, Bernard wanted to make a bet with me that we wouldn't have classes today. I wanted him to be wrong. Kawawa naman kami sa make-up kapag nagkataon. Pagod na ako. Pagod na ako mag-aral. I have given my all this prelims and midterms that I feel I no longer have anything to give this finals. I'm drained to my bones. It turned out that he was right. Buti na lang hindi ako naki pusta :)

Yeah, make up nanaman ito. At malamang sumabay sa Pedia quiz on saturday ang quiz sana namin sa OB ngayon. I even left all my notes sa locker that's why I had to go to the dorm to borrow Lucky's book on Bioethics (quiz bukas, gud lak). But it turned out that this day is what I really needed. A day of respite from all the past few weeks' toxicity. I got to sleep 'til 10:30 am this morning, and although I had to go out (despite of the typhoon) and meet with Lucky (+ go to school to get my notes), we (Shean, Pinky, Lucky and I) got to see a movie. :)

I was all set to watch Dubai, kaya lang wala pa. So we watched Sky High instead. Pambata. But it was worth a good laugh. Just what we needed to de-stress... Plus ang gwapo ni Warren Peace (Steven Straight). *swoon* I want a guy like him! hehehe! I'm sooo de-stressed right now. :D Pwede na uli lumaban. :)

Wednesday, September 07, 2005

Noong Mayo

xet: Lumingon ako. Kung sana sa paglingon ko naging isang bloke na lang ako ng asin wala na sana akong problema ngayon.

noes: Kaso hindi!

xet: Kasi. Bakit pa ako lumingon!


Usapan namin ni Don sa Koffia. Kung hindi ako nagkakamali buwan ng Mayo 'yun ngayong taon. Noong Mayo natutunan 'kong may mga bagay na mas magandang hindi na balikan. Na mas magandang ibaon na lang sa nakalipas (naks!) ang ilang bagay na hindi man nabigyan ng closure ay as good as closed na rin (kasi kelan man hindi n'ya ako bibigyan ng closure!).

Pero kung natutunan ko 'yan noong Mayo bakit ngayong Setyembre na ay nakailang lingon na ako? Siguro nga, 'yung ibang pagkakataong lumingon ako ay wala namang kwenta, pero may ilang pagkakataon naman na nakabutin lumingon ako. Actually, marami na rin. And for that, pakiramdam ko man ay binubuksan ko ang kahon ni Pandora sa tuwing linilinon ko ang nakaraan, nagagawa 'kong umabante patungong hinaharap na mas magaan ang dinadala.

Siguro, nasabi 'kong mas magandang hindi na lumingon kasi kung minsan masakit gawin 'yun. Lalo na kung ang paglingon ko ay sasabayan ng pagkaalam sa mga bagay na ayoko namang malaman. (For dat, minsan talaga ignorance is bliss.)

"Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punung-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Mga nakaraang hindi na pwedeng ipagpaliban.
~Kwarto, Sugarfree


Tama, may mga nakaraang hindi na pwedeng ipagpaliban. Hindi para mabuhay sa kahapon, pero para harapin ito once and for all iligpit na ito.

Mga liham ng nilihim 'kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan 'kong inipon
Ngunit ngayon ay kailangan ng itapon
~Kwarto, Sugarfree


Kaya ang mga susunod 'kong posts ay tungkol sa kahapon. Lilingon ako. Bagay na sinabi 'kong hindi ko na gagawin noong Mayo. Hindi para umatras, kundi para makasulong. Kinakailangan 'kong lumingon para sa mga nakaraang hindi ko na pwedeng ipagpaliban. Upang tuluyan ko na itong mabitiwan at maitapon.

Hindi ko kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon...
~Kwarto, Sugarfree

Thursday, September 01, 2005

Pamamaalam

Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punong-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban


-Kwarto, Sugarfree