Wednesday, September 07, 2005

Noong Mayo

xet: Lumingon ako. Kung sana sa paglingon ko naging isang bloke na lang ako ng asin wala na sana akong problema ngayon.

noes: Kaso hindi!

xet: Kasi. Bakit pa ako lumingon!


Usapan namin ni Don sa Koffia. Kung hindi ako nagkakamali buwan ng Mayo 'yun ngayong taon. Noong Mayo natutunan 'kong may mga bagay na mas magandang hindi na balikan. Na mas magandang ibaon na lang sa nakalipas (naks!) ang ilang bagay na hindi man nabigyan ng closure ay as good as closed na rin (kasi kelan man hindi n'ya ako bibigyan ng closure!).

Pero kung natutunan ko 'yan noong Mayo bakit ngayong Setyembre na ay nakailang lingon na ako? Siguro nga, 'yung ibang pagkakataong lumingon ako ay wala namang kwenta, pero may ilang pagkakataon naman na nakabutin lumingon ako. Actually, marami na rin. And for that, pakiramdam ko man ay binubuksan ko ang kahon ni Pandora sa tuwing linilinon ko ang nakaraan, nagagawa 'kong umabante patungong hinaharap na mas magaan ang dinadala.

Siguro, nasabi 'kong mas magandang hindi na lumingon kasi kung minsan masakit gawin 'yun. Lalo na kung ang paglingon ko ay sasabayan ng pagkaalam sa mga bagay na ayoko namang malaman. (For dat, minsan talaga ignorance is bliss.)

"Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punung-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Mga nakaraang hindi na pwedeng ipagpaliban.
~Kwarto, Sugarfree


Tama, may mga nakaraang hindi na pwedeng ipagpaliban. Hindi para mabuhay sa kahapon, pero para harapin ito once and for all iligpit na ito.

Mga liham ng nilihim 'kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan 'kong inipon
Ngunit ngayon ay kailangan ng itapon
~Kwarto, Sugarfree


Kaya ang mga susunod 'kong posts ay tungkol sa kahapon. Lilingon ako. Bagay na sinabi 'kong hindi ko na gagawin noong Mayo. Hindi para umatras, kundi para makasulong. Kinakailangan 'kong lumingon para sa mga nakaraang hindi ko na pwedeng ipagpaliban. Upang tuluyan ko na itong mabitiwan at maitapon.

Hindi ko kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon...
~Kwarto, Sugarfree

No comments: