Tuesday, October 18, 2005

Hole in My Soul


Ever tried catching fish with your bare hands? I didn't. I caught one with just one hand. :) That was roughly three weeks ago. I was at my grandparent's place, it was about 2 pm and because it was sooo hot i thought of havingsiesta... I was walking around, looking for a place to sleep when I saw my bro Roland sitting by the fish pond. I went to sit right beside him, and know what, after two minutes he left. O-kay... Maybe he wants privacy for his own thoughts...

Anyways, so I was there, just soaking up the scenery, enjoying the silence, thinking of nothing in particular, grateful for the respite i was having from all those draining post grad studies... when my attention was riveted to the pond. There was this splashing sound and when I looked I saw the water being splashed around. Curiousity got the best of me, and since I didn't have my glasses on i went closer to check it out...

Could that be? No, it couldn't... ?! It is! Dalag! (mud fish!)

My first thought was , "Hey, it isn't moving much, maybe I can grab it...If cats can do it, so can I." As I approached it as quietly as I can, I stopped and went back to where I was sitting and put down
my Baby on the balsa (bamboo raft).

As I proceeded to do what I set out to do, crouching like a tiger (
naks, sige na nga, like a pusakal), slowly extending my right hand, doubts entered my mind.

If I did this wouldn't I get hurt? Wouldn't my hand get pricked? May tusok ba xa? Pano kung madulas? Kung masugatan ako, is it worth it?

It was. It is. :)


It's just catching fish, big deal, you might say. Well, yeah, it's just catching fish, but I have done what some of my friends only dreamed of doing. To catch a fish with bare hands, and I did it with just one.

Naisip ko tuloy, ganun pala 'yun. Ang paghuli ng isda ay parang pag-ibig din. It comes when you least expect it and when it's there...

If I did this wouldn't I get hurt? Wouldn't my heart get broken? Mapagkakatiwalaan ko ba xa? Pano kung hindi xa totoo? Kung masugatan ako, is it worth it?

May kasamang risk ang paghuli ng isda na gamit ang mga kamay lamang. Ganun din ang umibig ng buong puso. Is it worth it?

Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.

Makukuntento na lang ba ako sa isda na lang?

There's a hole in my soul
that's been killing me forever
It's a place where a garden never grows.
~Hole in My Soul, Aerosmith

Saturday, October 15, 2005

Prinsesa ng Sablay:isang tama sampung mali, ganyan ako pumili

oooh, ayoko ng mag sorry
oooh, sawa na akong magsisi
pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta
~Hari ng Sablay, Sugarfree

Aug. 5, 2004-Aug. 6, 2004
Lord, sobrang nahihiya na ako sa Inyo. Hindi ko na alam kung paano ako lalapit sa Inyo. Nakakapalan na ako ako sa sarili ko. Ilang beses na akong humingi ng tawad? Ngayon hihingi nanaman ako ng tawad. Hindi naman ako nagbabago. Minsan iniisip ko h'wag na lang muna ako humingi ng tawad, tsaka na lang, kapag kaya ko na'ng panindigan...
Hayan nanaman. "Kapag kaya ko na'ng panindigan."
"Kanino ka umaasa, anak?"
Lord, sa Inyo. Pero...
"Pero."
...
Sa akin. Umaasa na ako sa akin ngayon. Noon, Kayo lang ang tangi kong sandigan. Sa Inyo lang ako umaasa. Kayo ang aking lakas. Kayo ang aking lakas. Kayo ang aking kagalakan. Sa Inyo ako kuntento.
Hindi ko alam kung kailan o paano, pero unti-unti Kayong napalitan sa puso ko. Nauuna na ako ngayon. Tulad din noong nangyari noon.
Kahit ngayon na dapat Kayo ang dapat unahin ko, na dapat humingi ako ng tawad mula sa Inyo, dahil nasaktan ko nanaman Kayo, ang gusto kong pag-usapan ay ang sarili ko. Ang sarili ko at ang matinding kalungkutang nadarama ko ngayon. Kalungkutang nasa akin ngayon na'ng dahil na rin sa sarili kong kagagawan.
Lord, sorry po. Kasi masyado akong naging makasarili. Patawad din po kasi nakalimutan ko kung ano ang mahalaga sa buhay. Kung ano ang totoo.




san ka pa? akong-ako, di ba? :)

Thursday, October 13, 2005

Yamot


Ika-apat ng Oktubre, taong 2005, ako'y iniwan ng aking Baby. Kamusta ka na kaya ngayon?Mabuti ba ang trato ng iba sa'yo? Hinahanap-hanap mo rin ba ako tulad ng pangungulila ko sa'yo? Patawarin mo ako... nagkulang ako sa pag-aruga sa'yo... Alam ko hindi ka na maibabalik ng aking pagsinta, ngunit hayaan mong ialay ko ang kantang ito para sa'yo...



Labis na naiinip
Nayayamot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa

Umuwi ka na Baby
Hindi na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi’y hinahanap-hanapkita.


Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama ka muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap
Na tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
At naglalagay ng ngiti sa mga labi

‘Di mapigilang mag-isip
Na baka sa tagal
Mahulog ang loob mo sa iba
Nakakabalisa, knock on wood
‘Wag naman sana

Umuwi ka na Baby…Umuwi ka na Baby…Umuwi ka na Baby…
Umuwi ka na Baby…Umuwi ka na Baby…Umuwi ka na Baby…



~Hanggang Kailan, Orange and Lemons

Sunday, October 02, 2005

~*Dubai*~


I promise to make this as short as possible... gotta review for my comprehensive exams tomorrow... :)

Lucky and I watched Dubai today (yeah, nanood kami kahit start na ng final exams... kelangan namin ng break! pagod na kami!). Natutuwa raw si Lola Arby sa amin. Fans daw pala kami ni John Lloyd! (hindi ah, gusto ko lang magpaka-mushy today... :)

We were not able to watch the movie at its beginning, siguro mga 15 minutes ang na-miss namin... The first thing that struck me was the beauty of Dubai (the place ha). Sobrang ganda. Ang linis, pare, as in. At ang ganda ng beach (may beach doon?! di ko kasi alam eh... hehehe!)! White sand! Nasaan and disierto? Cactus? Camel? hahaha! Napaka stereo type ng pag-iisip ko pagdating sa Middle East. (kung nasimulan namin 'yung movie hindi ko na sana hinanap 'yung disierto at camels, simula pa lang pinakita na :)



Ayan po, mga kaibigan... Kung atin pong papansinin ang mga pictures, makikita po natin ang mga camel sa likod nina Aga, Claudine at John sa picture 1. Sa picture 2 makikita naman natin ang beach na ubod ng ganda! Yep, sa likod naman ni John Lloyd :). At sa likod (nanaman) nina Aga, Claudine, at John ay makikita natin ang disierto.

Hehehe!

Life is beautiful...and so are we... >_<