Saturday, October 15, 2005

Prinsesa ng Sablay:isang tama sampung mali, ganyan ako pumili

oooh, ayoko ng mag sorry
oooh, sawa na akong magsisi
pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta
~Hari ng Sablay, Sugarfree

Aug. 5, 2004-Aug. 6, 2004
Lord, sobrang nahihiya na ako sa Inyo. Hindi ko na alam kung paano ako lalapit sa Inyo. Nakakapalan na ako ako sa sarili ko. Ilang beses na akong humingi ng tawad? Ngayon hihingi nanaman ako ng tawad. Hindi naman ako nagbabago. Minsan iniisip ko h'wag na lang muna ako humingi ng tawad, tsaka na lang, kapag kaya ko na'ng panindigan...
Hayan nanaman. "Kapag kaya ko na'ng panindigan."
"Kanino ka umaasa, anak?"
Lord, sa Inyo. Pero...
"Pero."
...
Sa akin. Umaasa na ako sa akin ngayon. Noon, Kayo lang ang tangi kong sandigan. Sa Inyo lang ako umaasa. Kayo ang aking lakas. Kayo ang aking lakas. Kayo ang aking kagalakan. Sa Inyo ako kuntento.
Hindi ko alam kung kailan o paano, pero unti-unti Kayong napalitan sa puso ko. Nauuna na ako ngayon. Tulad din noong nangyari noon.
Kahit ngayon na dapat Kayo ang dapat unahin ko, na dapat humingi ako ng tawad mula sa Inyo, dahil nasaktan ko nanaman Kayo, ang gusto kong pag-usapan ay ang sarili ko. Ang sarili ko at ang matinding kalungkutang nadarama ko ngayon. Kalungkutang nasa akin ngayon na'ng dahil na rin sa sarili kong kagagawan.
Lord, sorry po. Kasi masyado akong naging makasarili. Patawad din po kasi nakalimutan ko kung ano ang mahalaga sa buhay. Kung ano ang totoo.




san ka pa? akong-ako, di ba? :)

No comments: